Patay ang tinatayang 40 indianong sundalo sa ginawang bomb attack ng isang militanteng grupo sa kashmir sa India.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, binangga ng isang sasakyang puno ng bomba ang sinasakyang bus ng mga sundalo sa bahagi ng Srinagar-Jammu Highway.
Samantala, ang Pakistan-based islamist group Jaish-e Mohammad umano ang nasa likod ng naturang pag-atake.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.