Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Law.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa media.
Layon ng naturang batas na mapadami ang suplay ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng pagpapagaan ng regulasyon sa pag – aangkat ng bigas.
Itinatalaga din ng naturang batas ang paglilimita sa kapangyarihan ng NFA o National Food Authority na siguruhing sapat ang emergency stocks ng bigas tuwing panahon ng kalamidad.