Babantayan din ng Comelec o Commission on Elections ang mga PUV o public utility vehicles na maglalagay ng mga campaign material tulad ng poster.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, maituturing na election offense at paglabag sa mga nakasaad na kondisyon sa prangkisa ang paggamit sa mga pampublikong sasakyan bilang campaign medium.
Aniya, makikipag-ugnayan na ang Comelec sa ibang ahensiya tulad ng MMDA, Land Transportation Office at LTFRB Para mahuli ang mga lalabag na PUVs.
Para naman kay LTFRB chairman Martin Delgra, wala siyang nakikitang problema sa paglalagay ng mga posters sa mga pampublikong sasakyan basta’t alinsunod aniya ito sa itinakdang standards ng Comelec.
Binigyang diin ni Delgra, pinapayagan ang mga palalagay ng anumang election materials sa lahat ng uri ng PUV sa ilalim ng Memorandum Circular 2015-029.
Comelec pinaalalahanan ang mga ahensiya at eskwelahan na iwasang mag-imbita ng mga kandidato
Muling hinimok ng Comelec o Commission on Elections ang mga ahensiya ng pamahalaan at pampublikong paaralan na iwasang imbitahan sa mga graduation o anumang okasyon ang mga kandidato sa 2019 midterm elections sa Mayo.
Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, makabubuting maging maingat ang mga ahensiya at eskwelahan para maiwasan na ring maakusahang sumasali sa mga partisan activities.
Ito aniya ay bagama’t wala namang partikular na probisyon na nagbabawal sa mga kandidato na imbitahan bilang speakers sa ilang mga okasyon.
Iginiit ni Jimenez, hindi angkop na piliting makinig ang mga kawani ng isang ahensiya o mga estudyante sa isang politiko lalo na kung iba ang political views ng mga ito.