Nagbanta ang ilang mambabatas na tatapatan umano nila ng kaliwa’t kanang kaso si US President Donald Trump.
Ito’y makaraang magdeklara ang US president ng national emergency dahil hindi pa rin pinondohan ang kanyang mahigit $5 million na border wall project.
Sinabi nina House Speaker Nancy Pelosi at Senate Minority Leader Chuck Schumer na isang malaking paglabag sa konstitusyon ng US ang pagdedeklara ng national emergency ni Trump.
Gawa-gawa lamang umano ang mga binabanggit na krisis ni Trump hinggil sa US-Mexican border.
Dahil dito ay magsasampa naman ng kaso si California Governor Gavin Newsome dahil sa naturang pagiimbento umano na ginawa ni Trump.
Nakatakda ring maghain ng kaso laban kay Trump ang American Civil Liberties Union.
Hinikayat din ang mga Republican na tutulan ang naturang deklarasyon.