Nagpatutsada ang Malakanyang sa mga kritiko ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Kasunod ito ng pinakabagong SWS o Social Weather Station survey na mas maraming Pilipino ang nagsabing mas kakaunti na ang mga drug users sa kani-kanilang lugar kumpara nuong nakalipas na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang resulta ng naturang survey ay patunay lamang na matagumpay ang ginagawang war on drugs ng gobyerno.
Kaugnay nito, panahon na aniya para imulat ang mga mata at itigil ang pagbubulagbulagan ng mga kritiko ng gobyernp sa halip ay dapat na pakinggan ang taong bayan.
Aniya, mananatili ang dedikasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ubusin ang mga tulak at gumagamit ng iligal na droga hanggang sa huling araw nito sa pwesto.