Nanindigan ang Commission on Elections o COMELEC na hindi nito papalawigin ang panahon para magpakuha ng biometric data ang mga botanteng hindi pa rin nag-update ng kanilang record.
Ayon kay COMELEC Commissioner Robert Lim, sa kasalukuyan ay nasa tinatayang 3.8-million Pilipino pa ang hindi nagpapakuha ng biometrics.
Dagdag pa nito na hindi sila magbibigay ng extension dahil sapat naman umano ang panahon na ibinigay nila upang magpatala ang mga ito.
Samantala, una nang sinabi ng COMELEC na maninindigan ito sa ipapatupad na ‘no bio, no boto’ policy kung saan hindi papayagang makalahok sa halalan ang mga wala pang biometric data sa COMELEC.
By Mariboy Ysibido