Pinatatanggal na ng Pilipinas sa United Nations o UN ang listahan ng mahigit animnaraang (600) kaso ng enforced at involuntary disappearance o desaparecidos na iniuugnay sa pamahalaan simula 1975 hanggang 2012.
Pormal itong hiniling ng pamahalaan sa pangunguna ni Presidential Human Rights Committee Undersecretary Severo Cultura sa kanilang pagdalo sa pulong ng UN Working Group on Enforced and Involuntary Disappearances.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagpakita ng mga dokumento ang delegasyon ng Pilipinas na nagpapatunay na tinutugunan ng pamahalaan ang mga nasabing kaso.
Kabilang na anila ang isang daan at limang (105) mga kasong kinikilala ng Human Rights Victims Claims Board.
Nagbigay din ng impormasyon ang Pilipinas sa mga kaso kung saan kinasuhan at naparusahan o napawalang sala na ang mga salarin.
—-