Patay ang isang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa M’lang North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Jun Panangulon, Brigade Commander ng 108th Base Command ng MILF.
Habang kritikal naman ang kasamahan nitong si Toto Magulayan.
Ayon kay Supt. Giovani Ladeo, hepe ng M’lang Police, papunta ang dalawang biktima sa plantasyon ng saging sa Purok 3, Barangay Gaunan nang kumprontahin sila ng apat na salarin.
Nagkaroon aniya ng mainit na pagtatalo sa pagitan nina Panangulon at ng mga salarin dahilan kaya nauwi ito sa pamamaril.
Naaresto naman ng pinagsanib na puwersa ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga suspek kung saan nakuha sa mga ito ang ilang armas tulad ng M-14 at M-16.
—-