Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 100 billion peso Coco Levy Fund Bill.
Sa kanyang isinumiteng liham sa Kamara noong isang linggo, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte ang dahilan ng kanyang pag-veto sa panukalang batas.
Isa aniya sa mga ito ay ang kawalan ng “vital safeguards” upang maiwasan ang mga nakaraang pagkakamali at posibleng paglabag ng bill sa article 6, section 29, paragraph 3 ng 1987 constitution.
Maaaring hindi maging patas ang bill lalo’t makikinabang lamang dito ay ang mga mayamang coconut farm owner dahil sa kawalan ng limit ng mga saklaw na lugar para sa entitlement ng benefits.
Sa kabila nito, umaasa si Pangulong Duterte na magpapatuloy ang pagtutulungan ng Malacañang at Kongreso sa paglikha ng panukalang batas na magiging katanggap-tanggap sa lahat.
—-