(To be updated) Muling ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon laban sa martial law extension sa Mindanao.
Ang mga nasabing petisyon na isinumite ng Makabayan bloc, minorya ng Kamara, Atty. Christian Monsod at grupong Lumad na kumekwestiyon sa legalidad ng martial law sa Mindanao.
Sa botong 9-4, pinagtibay ng Korte Suprema ang constitutionality ng ikatlong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Noong 2017, idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao, sa kasagsagan ng sagupaan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
with report from Bert Mozo (Patrol 3)