Muling inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang numero unong kritiko na si Senador Antonio Trillanes.
Ito’y makaraang batikusin ni Trillanes ang resulta ng December 2018 Social Weather Stations survey na nagsasabing 66 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang bumaba ang bilang mga drug addict dahil sa war on drugs.
Sa 9th anniversary ng Mindanao Development Authority sa Davao City, inihayag ni Pangulong Duterte na dapat pang matuwa si Trillanes sa resulta ng survey.
“A some critic, stupid senator said “there is dead, because they are dead”…and so? Are you not happy that I’m doing it for you, instead of you a military idiot?! You don’t even know how to count…the figures of foreigners… You go to America, Trillanes. I take on every issue and I go to Hongkong to celebrate the birthday of my wife because that is the order of my daughter.”
Wala na anyang ibang gawain si Trillanes kundi batikusin ang mga programa ng gobyerno at magkalat ng mga maling balita.
Samantala, binanatan din ng pangulo si dating senador Kit Tatad na nagpakalat ng balitang nagpagamot siya sa China dahil sa cancer.
“You are paying a public servant to make issues such as ‘sakit’ tapos makipagpustahan pa si Tatad, saying that I’am dying. Goddamit. You are suffering from diabetes. You are taking your frustration because you’re …. not even gonna reach this stage.”