Nagpahayag ng pagka-alarma ang lider ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) hinggil sa naging desisyon ng Korte Suprema sa ikatlong martial law extension sa Mindanao.
Ayon kay NUPL Leader Atty. Edre Olalia, nakababahala ang ilang beses pang pagpapalawig ng batas militar sa naturang rehiyon dahil nagpapahiwatig aniya ito ng panganib sa unti-unting pagkabawas sa civil at political rights ng mga Pilipino.
Magugunitang pumanig ang Korte Suprema sa gobyerno hinggil sa muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao sa kabila ng mga petisyon na wala umano itong konkretong basehan.
—-