Nagbabadya ang panibagong bigtime price increase sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa mga source mula sa oil industry, posibleng maglaro sa piso at trenta’y nwebe sentimos ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel; piso at trenta’y sais sentimos sa gasolina habang piso at trenta’y dos sentimos sa kerosene.
Namumuro ring magtaas ng presyo ang liquefied petroleum gas na maaaring maglaro sa piso hanggang dalawang pisong dagdag sa kada kilo sa unang linggo ng Marso.
Ang panibagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.
Samantala, aminado ang Department of Energy na wala silang magagawa dahil hindi naman kontrolado ng pamahalaan ang presyo ng petrolyo na inaangkat pa sa ibang bansa at tanging magagawa ng mga motorista at consumer ay magtipid.