Tila pinagtibay pa ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle ang posisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Simbahang Katoliko.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Salvaldor Panelo sa presentation ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle sa vatican summit.
Sinabi ni Tagle na ang pagkilala ng Simbahang Katoliko sa dumaraming kaso ng pang aabusong seksual ng mga taong simbahan ang unang hakbang para tuluyang magamot ang sakit na na ito ng simbahan.
Ayon kay Panelo, ang pahayag ni Tagle ang tema ng mga pahayag ng pangulo at pagpapatibay na rin sa kanyang mga kritisismo laban sa Simbahang Katoliko.
Mahalaga rin aniya ang naging pahayag ni Tagle para mapalaganap ang kaalaman ng lahat sa pang aabuso ng ilang pari sa mga kabataan.