Nagpaliwanag ang Department of Trade and Industry o DTI sa nangyaring pagtaas ng presyo ng mahigit limampung produkto ngayong buwan ng Pebrero.
Sa kabila ito ng ipinatutupad na prize freeze noong panahon ng kapaskuhan.
Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, nagkasabay-sabay ngayon ang umento sa halaga ng bilihin matapos ang “three-month price hold-off” dahil sa naitala noong mataas na inflation rate sa huling kwarter ng 2018.
Kabilang aniya sa mga tumaas ang presyo ay ang raw materials, labor cost, at iba pa.
Sa kabuuan, aabot aniya sa limang porsyento ang iminahal ng mga pangunahing bilihin.