Nilinaw ng Philippine National Police-Highway Patrol Group na kusang lumipat ng unit ang 20 dating miyembro ng Special Action Force na tumutulong sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay Supt. Oliver Tanseco, tagapagsalita ng PNP HPG normal lamang sa mga pulis ang lumipat ng kanilang unit of assignment.
Inihalimbawa din ni Tanseco si HPG Dir. Chief Supt. Arnold Gunnacao na 7 taong nanilbihan sa SAF bago lumipat sa HPG.
Samantala, sinabi din ni Tanseco na ikinatutuwa ng HPG ang mga tawag mula sa estudyante na nagtatanong kung papaano maging miyembro ng HPG.
By: Katrina Valle | Jonathan Andal