Naaresto ng mga operatiba ng pambansang pulisya ang alkalde ng Datu Salibo sa lalawigan ng Maguindanao na si Norodin Franco Salazar.
Ito’y may kaugnayan sa kasong murder o pagpatay na isinampa laban sa kaniya.
Inaresto si Salazar ng mga tauhan ng PNP – ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao pagdating nito sa paliparan ng Cotabato dakong alas diyes y medya kaninang umaga.
Kabilang si Franco sa mga tinaguriang narco-politicians o listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga opisyal na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.