Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa naulilang pamilya, kaibigan at katrabaho ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na labis nilang ikinalulungkot ang pagpanaw ni Espenilla sa edad na animnapu (60) dahil sa tongue cancer.
Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat ang Malakanyang sa naging debosyon sa trabahao at ibinigay na magandang serbisyo ni Espenilla sa bansa.
Si Espenilla ay nagsilbi ring deputy governor ng BSP simula 2005 bago italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang governor.
Tumatayo rin ito bilang chairman ng monetary board at ex officio chairman ng Anti-Money Laundering Council, Philippine International Convention Center at Financial Stability Coordination Council.