Nadagdagan pa ang mga bloke-bloke ng cocaine na narerekober ng mga awtoridad na palutang-lutang sa mga karagatan sa bansa.
Kasunod ito ng panibagong tatlumpu’t anim (36) na bloke ng cocaine na natagpuan ng dalawang mangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Santiago, bayan ng Caraga, Davao Oriental.
Ayon kay Senior Inspector Fidelito Viola, hepe ng Caraga Police, kanilang nakumpirmang cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng dalawang daang (200) milyong piso ang mga nakitang kontrabando batay sa isinagawang pagsusuri dito.
Una nang inialok ng mga awtoridad ng sako ng bigas o dalawang libong piso (P2,000) kada bloke ang sinumang makakapagbigay alam sa mga makikitang kontrabando.
Magugunitang, bloke bloke ng cocaine na rin ang unang natagpuan ng mga awtoridad sa Dinagat at Siargao Islands, Surigao del Sur, Camarines Norte at Quezon Province.
—-