Nanganganib ipasara ng gobyerno ang isa sa pinakamalaking telecommunications company sa bansa na Philippine Long Distance Telephone o PLDT.
Ito ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tatanggi ang PLDT na magdagdag ng government trunk lines sa gitna ng reklamong laging busy ang Hotline 8888 na sumbungan ng publiko sa mga katiwalian sa pamahalaan.
Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cebu City, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi kinakaya ng nag-iisang hotline ang dami ng callers.
Binalaan din ng Punong Ehekutibo ang PLDT dahil sa utang nito sa gobyerno na aabot sa 8 bilyong piso.
Taong 2016 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 6 na lumikha sa Hotline 8888.
—-