Photo Credit: Philippine Sports Commission
Gumulong na ang proseso para sa pagtatayo ng Philippine Sports Training Center sa bansa.
Ayon kay Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission (PSC), sinimulan na nila ang paghahanap ng magandang lugar para rito.
Sa ilalim ng bagong batas, mayroon aniya silang anim na buwan para mamili ng lugar at isa at kalahating taon para simulan ang konstruksyon.
Kabilang aniya sa mga panukalang lugar ang Rosales Pangasinan at iba pang lugar na mungkahi ng ilang mambabatas.
Gayunman, kung siya aniya ang masusunod, tila mas makatuwiran na isama na lamang ang bagong sports facility sa itinatayong green city sa Capaz, Tarlac.
“Kasi ang gaagwin doon sa green city na ‘yun ay yung track oval, aquatic center at dormitories ng mga atleta, kulang sa facilities din ‘yun eh, in fact the other events ay gagawin sa iba-ibang lugar, I think for me the most sensible thing to do is doon na lang idagdag ‘yan, we will se, wala pa namang final.” Pahayag ni Fernandez
(Ratsada Balita Interview)