Pormal nang pinasinayaan ang Metro Manila Subway, ang kauna-unahang underground rail line ng Pilipinas.
Pinangunahan ito ng Department of Transportation (DOTr) at dinaluhan rin ng Ambassador ng Japan sa Pilipinas na si Koji Haneda.
Magsisimula ang Metro Manila Subway sa North Avenue hanggang sa FTI at NAIA Terminal 3.
Konektado rin ito sa lahat ng railway system ng bansa tulad ng lahat ng linya ng MRT, LRT at PNR.
Sa pamamagitan ng Japanese technology, aabot na lamang sa tatlumpu’t isang (31) minuto ang biyahe mula North Avenue hanggang FTI o NAIA Terminal 3.
Tiniyak ng DOTr na ligtas sa baha ang Metro Manila Subway kahit sa mga lugar na bahain at itatayo ito sa mga lugar na malayo sa fault line.
Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy Batan, ang Metro Manila Subway ang pinakamabilis na umusad ng proyekto sa ilalim ng Build Build Build.
PH-Japan ‘hand in hand’
Makaka-asa ang Pilipinas sa matagal nang karanasan ng Japan, hindi lamang sa konstruksyon kundi maging sa pagpapatakbo ng operasyon at maintenance ng subway system.
Tiniyak ito ni Japanese Ambassador to the Philippines Joji Haneda sa groundbreaking ceremony para sa Metro Manila Subway.
Ayon kay Haneda, siguradong magiging malaking game changer ang Metro Manila Subway sa matagal nang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Sa panig ni Transportation Secretary Arthur Tugade, sinabi nito na ang dating pangarap lamang ng mga Pilipino ay magkakaroon na ng katuparan.
Bago matapos ang Duterte administration ay posbileng masimulan na ang operasyon ng tatlong istasyon ng subway sa Quirino Avenue, Tandang Sora at North Avenue.
Ang proyekto ay may pondong mahigit sa 350 billion pesos mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
—-