Igigiit ng gobyerno sa Kongreso ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang problema sa trapiko.
Kasunod na rin ito ng pahayag ng pangulo sa isang talumpati nito noong weekend na problema sa trapiko sa EDSA ang tanging pangako niya na hindi pa natutupad hanggang sa ngayon.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kabilang sa aniya’y basket of solutions ng pangulo ang emergency powers para matuldukan na ang problema ng trapiko sa mga kalsada sa Metro Manila.