Dapat ma imbestigahan ang umano’y natanggap na death threat ni Caloocan Bishop Pablo David.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kung totoo ngang may banta bagamat sa tingin niya ay gawa gawa lamang ito.
Una nang nabunyag ang death threat kay Bishop David nang hindi ito dumalo sa ‘Ka Pepe Diokno Human Rights Awards’ sa De La Salle University.
Si Bishop David ay isa sa mga bumabatikos sa anti drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y nauuwi na sa extra judicial killings
Ipinaabot na rin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pangulo ang pagbabanta sa buhay ni Bishop David at iba pang obispo matapos himukin ng pangulo ang mga drug addict sa bansa na holdapin at patayin ang mga obispong naglalakad sa kalye.