Bahagya pang humina ang bagyong may international name na ‘Wutip’ habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Huling namataan ng PAGASA sa layong 1,950 kilometro, silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas na hanging aabot sa 150 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 185 kilometro kada oras at mabagal na kumikilos pa-hilaga hilagang-kanluran.
Posibleng pumasok ng PAR ngayong araw ang nasabing sama ng panahon na papangalanang ‘Betty’.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na walang magiging direktang epekto saan mang bahagi ng bansa ang bagyo dahil inaasahang mananatili lamang ito sa East Philippine Sea.