Iginiit ng partidong Agricultural Sector Alliance of the Philippines o AGAP sa gobyerno na magpatupad na ng total ban sa importasyon ng karne ng baboy sa bansa.
Ito’y bunsod ng patuloy na paglawak ng pinsala ng African Swine Fever na ngayon ay nananalasa sa mahigit sampung bansa.
Ayon kay AGAP President Nicanor Briones, hiling ng kanilang grupo ang tatlo hanggang anim na buwang total ban sa pag-iimport ng karne ng baboy sa bansa.
Posible anyang malagay sa peligro ang negosyo ng mga nag-aalaga ng baboy kung ipagpapatuloy ng pamahalaan ang naturang importasyon.
Samantala, nilinaw naman ni Briones na hindi naman nagreresulta sa kamatayan kung sakaling makakain ng baboy na kontaminado ng nabanggit na virus.
—-