Pinangangambahan ang fish kill dahil sa El Niño phenomenon.
Ito ayon kay Alexander Agra, director ng National Fisherfolk ay dahil higit na apektado ng matinding tag init ang mga fish cage at fishponds.
Ngayon pa lamang aniya ay ramdam na ang epekto ng mainit na panahon dahil nababawasan na ang tubig sa mga palaisdaan.
Dahil dito, pinayuhan ni Agra ang mga mangingisda na huwag mag imbak ng maraming isda sa kani kanilang mga fishpond ngayong tag init.