Nakatakdang bumisita sa bansa si Malaysian Prime Minister Tun Dr. Mahathir Mohammad.
Ayon sa DFA, March 6 at 7 itinakda ang official visit ni Mahathir base na rin sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinabatid ng DFA na magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Mahathir sa Malakaniyang kung saan tututukan ang mga interes ng dalawang bansa.
Ang Malaysian prime minister ay nakatakda ring makipag pulong kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Ito ang kauna unahang pagkakataon na bumisita sa bansa si Mahathir matapos manalo noong 2018.