Nagkaharap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S Secretary of State Mike Pompeo, kagabi.
Bago magtungo ng Davao City, nagkita si Pangulong Duterte at Pompeo pagdating sa Villamor Airbase sa Pasay City mula Hanoi, Vietnam.
Bagaman hindi pa idinedetalye ang nilalaman ng napag-usapan ng pangulo at U.S official, inihayag ng mga opisyal mula Malakanyang na kabilang sa mga tinalakay ang Philippines-U.S Mutual Defense Treaty.
Kasama ni Pangulong Duterte sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Executive Secretary Salvador Medialdea, Assistant Secretary Lumen Esleta ng Office of American Affairs at dating presidential Aide Christopher Go.
Kasama naman si Pompeo nina Ambassador Sung Kim, Senior Bureau Official Patrick Murphy at State Department Deputy Spokesman Robert Palladino.