Pinagretiro na ng PAGASA ang pangalan ng tatlong pinaka-nakapinsalang bagyo nuong 2018.
Ayon sa resolusyon ng PAGASA, hindi na gagamitin sa hinaharap ang mga pangalang Ompong, Rosita at Usman.
Pinagreretiro ng PAGASA ang pangalan ng bagyo kapag umabot sa tatlong daan (300) ang death toll at kung naka pinsala ito ng aabot sa isang bilyong pisong halaga ng ari-arian.
Walumpu (80) ang patay at mahigit sa P30 billion ang nasira sa bagyong Ompong, halos P3 billion naman ang napinsala at dalawampu (20) katao ang nasawi sa bagyong Rosita samantalang mahigit P5 billion ang napinsala at isandaan at limampu (150) naman ang death toll sa bagyong Usman.
Ang mga pinagretirong pangalan ay papalitan ng Obet, Rosal at Umberto.