Halos walo sa bawat sampung Pilipino ang nangangambang mabiktima sila o kanilang kakilala ng Extra Judicial Killings o EJK.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS sa huling bahagi ng 2018 sa harap ng bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na paiigtingin ng pamahalaan ang giyera nito kontra iligal na droga.
Sa naturang survey, lumilitaw na 73% ang nababahalang mabiktima sila ng EJK habang 27% naman ang nagsabing hindi sila nababahala.
Pinakamarami sa mga nangangambang mabiktima sila ng EJK ay sa Visayas na nasa 83 percent na sinundan ng Metro Manila na may 79 percent; Mindanao na may 78 percent habang 75 percent naman sa balance Luzon.
Samantala, lumabas din sa survey na 50 percent ng mga respondents ang naniniwalang mahihirap lamang ang mga nabibiktima ng EJK; 3 percent ang mayayaman habang 48 percent naman ng mga pinoy ang naniniwalang walang pinipiliping estado ang mga nabibiktima ng EJK.