Naniniwala ang Malakanyang na nagsimula nang gumulong ang hustisya laban sa ilang personalidad na may kaugnayan sa dengvaxia controversy.
Ito ay matapos na makitaan ng probable cause ng Department of Justice o DOJ si dating Health Secretary Janet Garin at iba pa sa kasong reckles imprudence resulting to homicide dahil sa pahkamatay ng walong batang nabakunahan ng dengvaxia.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat ay tigilan na ang pamumulitika sa isyu lalot nagdulot na ito ng takot sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Maganda aniyang pagkakataon ito para linisin at idepensa ng mga akusado ang kanilang pangalan sa korte.
Sa huli, siniguro ni Panelo na hindi makikialam ang malakanyang sa gagawing pagdinig ng doj sa naturang kaso.
Bukod kay Garin, kasama rin sa inirekomendang makasuhan ay ang ilang mga dating opisyal ng Department of Health o DOH, Food and Drug Administration o FDA, Research Institute for Tropical Medicine at ang kumpanyang Sanofi Pasteur.