Binalikan ng Malakanyang si senatorial candidate Neri Colmenares kasunod ng pag-batikos niya sa Chico River irrigation deal ng China sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagpapapansin lamang sa media sa Colmenares kaya binabatikos nito ang naturang plano.
Aniya, nakakaawa lamang si colmenares dahil ginagamit nito ang maayos na relasyon ng china at Pilipinas para sa ambisyon nito sa Senado.
Una nang sinabi ni Colmenares na kabilang ang naturang proyekto sa mga secret loan agreement na pinasok ng China at Pilipinas na posibleng umabot ng bilyon – bilyong piso.