Posibleng sa gitna ng 2016 pa magsimulang makabawi ang lebel ng tubig sa mga dam.
Ayon kay Engineer Eric Eguia, pinuno ng Maynilad Water Network, ito ay dahil sasakto sa summer ang pagtatapos ng strong El Niño phenomenon na umiiral sa bansa.
Kaugnay nito ay nakiusap si Eguia sa publiko na magtipid sa tubig lalo na hindi maaaring kontrolin ang kalikasan.
“Strong El Niño at ito po ay magla-last hanggang next year po of first quarter, ibig sabihin po March matatapos, summer season kaya patuloy po na bababa ang ating lebel ng tubig.” Ani Eguia.
Rasyon
Samantala, masusundan pa ang schedule ng pagrarasyon ng tubig ng Maynilad sa kanilang mga customer.
Sinabi ni Engineer Eric Eguia, pinuno ng Maynilad Water Network, ito ay dahil kanila lamang dinadahan-dahan ang pagtatanggal ng tubig, lalo na at maraming Pilipino ang hindi pinapansin ang kanilang mga advisory at saka lamang tumutugon kapag nawalan na ng suplay.
Sinabi din ni Eguia na mananatili ang mas mahinang suplay ng tubig hanggat nasa 38 cubic meters ang kanilang natatanggap na alokasyon.
“Yun pong decrease, yung consumption ay magdedepende po hanggang saan mag-aadapt ang ating mga customers.” Dagdag ni Eguia.
By Katrina Valle | Karambola