Ikinalugod ng CHR o Commission on Human Rights ang pagpapalawig sa pamamahagi ng kompensasyon para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktaturyang Marcos.
Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa joint resolution na nagsasaad ng extension hanggang sa katapusan ng taon ng pagpapalabas ng bayad pinsala sa mga human rights victim.
Gayunman nilinaw ng CHR na hindi ito nangangahulugang ng muling pagbubukas ng aplikasyon para sa mga bagong claimants at pagpoproseso na natapos na noon pang Mayo ng 2018.
Samantala, pinag-iingat naman ng CHR ang publiko laban sa mga grupo o personalidad na magsasamantala sa mga human rights victims na naglalayon lamang baguhin ang katotohanan at guluhin ang pagpapatupad ng bagong labas na resolusyon.