Itinigil na ng US at South Korea ang kanilang taunang joint military exercise.
Ito ang kinumpirma ni South Korean Minister of National Defense Jeong Kyeong Doo matapos aniyang makausap sa telepono si US Secretary of Defense Patrick Shanahan kung saan kanila nang napagpasiyahang itigil muna ang Foal Eagle exercises.
Napagkasunduan din ng dalawa na magpapatupad na lamang sila ng tinatawag na adjusted outside maneuver trainings at united command exercise.
Ang Foal Eagle exercises ay ang pinakamalaki at taunang joint military exercises ng US at South Korea na nilalahukan ng 200,000 miyembro ng South Korean forces at 30,000 sundalo ng Amerika.