Nanindigan ang palasyo na dapat ay isapubliko ang mga kandidatong kabilang sa narco list.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, karapatan ng publiko na malaman ang mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.
Ginagawa lang din aniya ng Department of Interior and Local Government at Philippine Drug Enforcement Agency ang kanilang tungkulin sa taumbayan.
Ipinabatid din ni Panelo na maaaring magsampa ng kaso ang mga kandidatong nasa narcolist kung naniniwala ang mga ito na siniraan lamang sila para hindi manalo sa nalalapit na halalan.
Una rito, sinabi nina Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon na dapat kasuhan din ang mga kandidatong nasa narco list sa halip na isapubliko lamang ang pangalan ng mga ito.