Pursigido si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang pangalan ng Pilipinas.
Ito ang muling inihayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa Isabela City, Basilan.
Pero sa pagkakataong ito, kumambyo si Pangulong Duterte at nilinaw na may iba pang pangalan na maaaring ipalit bukod sa ‘Maharlika’.
Magugunitang pinalutang ng punong ehekutibo sa isang pulong sa Maguindanao noong Pebrero ang plano upang putulin ang “colonial origins” ng bansa.
“Ang ating Filipino is named after King Philip of Spain kaya sabi ng mga ano kung papalitan ko, gusto kong palitan balang araw. No particular name yet but sure I would like to change the name “Philippines” because “Philippines” is named after King Philip. Yun ang ginawa nila ni Magellan.”