Bumagal sa 3.8 percent ang inflation rate para sa nakalipas na buwan na siyang pinakamababang inflation rate mula noong March 2018.
Ipinabatid ito ng Philippine Statistics Authority (PSA) kumpara sa 4.4 percent na inflation rate sa unang buwan ng taong ito.
Sinabi ng PSA na malaking kontribusyon sa pagbagal ng inflation ang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ng food products.
Ito ang unang pagkakataon makalipas ang isang taon na nakamit ng gobyerno ang target na 2 hanggang 4 percent lamang na inflation.
Kabilang sa major drivers nang paghina ng inflation ay food and non-alcoholic beverages, alcoholic and tobacco at transportasyon.
Naitala ang pinakamataas na inflation sa Mimaropa region may mayroong 5.3 percent mula sa 5.6 percent sa nakalipas na buwan ng Enero.
Ang Cordillera Administrative Region (CAR) pa rin naman ang may pinakamababang inflation na naitala sa 2. 5 percent mula sa dating 3.1 percent noong Enero.
Sa national capital region (NCR) o Metro Manila naman naitala ang 4.8 percent sa buwan ng Pebrero mula sa 4. 6 percent na inflation sa buwan ng Enero.
—-