Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa kabila ng mga natatanggap nitong batikos.
Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng ruling party na PDP-Laban sa Bangued, Abra, iginiit ni Pangulong Duterte na mahalaga ang makokolektang buwis mula sa TRAIN Law dahil gagamitin ito sa mga infrastructure project ng gobyerno.
Ayon sa pangulo, sa TRAIN Law din kukunin ang dagdag sahod sa mga guro at pondo para sa iba pang proyekto.
“The build, build, build, yun yung TRAIN. Eh pano matuloy yan kung kinakalaban nila? Paano ko masu-swelduhan yung mga maestra?.. I need to keep this government running.”
Aminado si Pangulong Duterte na hindi niya masosolusyonan ang problema sa traffic congestion sa EDSA kung walang emergency powers pero asahang maiibsan ang problema sa sandaling matapos ang mga infrastructure project.
“What was really added about me talking about it lengthfully, itong build, build, build. Dito galing sa Avenida papuntang Caloocan takes about 5 minutes. Andiyan na. Pero kailangan may sasakyan ka or bus. Yan nalang ang ginawa ko. Next diyan, maluwang na ang Maynila.”