Posibleng mapa-aga ang pagpasok ng tagtuyot o dry season ngayong taon dahil sa El Niño phenomenon.
Ayon sa PAGASA, dahil sa posibilidad ng maagang dry season ay maaaring magkaroon ng delay sa pagpasok ng tag-ulan na kadalasan ay ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Mayo.
Kabilang sa mga indikasyon na papalapit ang dry season ay kapag paiba-iba na ang direksyon ng hangin, hindi na umiiral ang amihan at paunti-unting pagtaas ng temperatura.
Sa katunayan ay ramdam na ang umiinit na panahon sa ilang bahagi ng bansa gaya sa Tuguegarao City, Cagayan na nakapagtala ng 34.2 degrees celsius; Dagupan City, Pangasinan, 33.7 degrees celsius;
Zambales, 33.3 degrees celsius; Cotabato City at General Santos City, 35.5 degrees celsius noong Martes habang 33.7 degrees celsius sa Metro Manila noong Lunes.