Pumalo na sa mahigit 36,600 ang naitatalang kaso ng dengue ng DOH o Department of Health sa bansa ngayong taon.
Batay sa datos ng DOH – Epidemiology Bureau, mataas ang nasabing bilang ng mahigit 14,700 kaso kumpara sa naitalang halos 22,000 noong nakaraang taon.
Kasabay nito, hinimok ng DOH ang publiko na aktibong makilahok para malabanan ang sakit sa pamamagitan ng tinatawag na 4S.
Binubuo ang 4S strategy ng search and destroy o paghanap at pagsira sa mga binabahayan ng lamok;
Seek early consultation o maagang pagpapatingin sa doktor oras na may maramdaman nang sintomas;
Self-protection measures o paglalagay ng proteksyon sa katawan tulad ng anti-mosquito lotion at saying yes to fogging oras namang ideklara na ang outbreak.