Pinag-aaralan ngayon ng DOLE o Department of Labor and Employment ang maaaring maging solusyon upang mabawasan ang deployment ng mga construction worker sa ibang bansa.
Ito’y upang matugunan ang lubhang pangangailangan ng pribadong sektor sa mga manggagawa sa Pilipinas.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mismong ang construction industry na ang nakiusap sa dole na maghinay-hinay sa pagdedeploy ng Filipino construction workers sa ibang bansa dahil kailangan sila dito sa bansa.
Tinitignang solusyon ngayon ni Bello na bawasan ng siyamnapung (90) porsyento ang deployment rate ng mga naturang manggagawa.