Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga motorista na magbaon pa ng mas mahabang pasensya dahil sa posibleng pagbigat pa ng daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ito’y dahil sa isinasagawang road repairs ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa mga kalsada sa bahagi ng Quezon City, Pasig City, Taguig at Makati City.
Inaasahang tatagal ang naturang repair hanggang alasingko ng umaga ng Lunes, March 11.
Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga motorista na gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang mga apektadong lugar.