Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang Malacañang na sampahan ng reklamo si dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan matapos itong sibakin sa puwesto dahil sa umano’y katiwalian.
Ayon kay Lacson, sa kanyang palagay ang mga nakalap na impormasyon at naging aksyon ni Balutan nang isalang ito ng Senate Committee on Games and Amusement sa imbestigasyon dahil sa alegasyon ng kurapsyon kaugnay sa STL ang siyang naging batayan sa pagkakasibak nito sa puwesto.
Binigyang diin ni Lacson na nararapat lamang na kasuhan na ng pamahalaan si Balutan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian, matagal na dapat sinibak sa puwesto si Balutan.
Tinukoy ng senador ang paggasta nitong aabot sa anim na milyong piso para sa magarbong Christmas party ng PCSO noong 2017.