Kumpirmado na ang pag-anunsyo sa Miyerkules ni Senadora Grace Poe ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections.
Gagawin ang pag-anunsyo ni Poe ng kanyang kandidatura sa bahay ng alumni sa University of the Philippines Diliman.
Dadaluhan ito ng mga kapamilya, kaibigan, mga taga suporta ng senadora at maging ng media.
Ngayong hapon, nakatakda munang magpulong sina Poe at Senador Chiz Escudero na siyang matunog na magiging running mate ng senadora sa 2016.
By: Ralph Obina | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)