Libu-libo katao ang nag-rally sa Moscow, Russia laban sa mas mahigpit na internet restriction.
Iginiit ng mga raliyista na pagsikil sa kanilang internet freedom ang ipatutupad na paghihigpit.
Ibinabala ng mga demonstrador ang mas malaking kilos protesta sakaling paabutin sa second reading o isabatas ang bill na maghihipit sa paggamit ng internet.
Magugunitang pinaboran ng mga mambabatas ang nabanggit na panukala upang maiwasan ang pakikisawsaw ng mga ibang bansa sa internal affairs ng Russia.
Layunin din nito na mapigilan ang posibleng pag-leak o makuha ng mga espiya ang mga mahalagang impormasyon.
—-