Sumasailalim pa sa pagsusuri ang itinatayong treatment plant ng Manila Water sa Cardona, Rizal.
Ipinabatid ito ni Manila Water Communications Manager Dittie Galang na nagsabing ang naturang water plant ay kukuha ng supply ng tubig sa Laguna Lake at inaasahang makakadagdag sa supply ng tubig sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.
Ayon kay Galang, posibleng sa susunod na linggo ay maaari nang masimulan ang operasyon ng naturang treatment plant subalit hindi pa ito fully operational.
Inamin ng Manila Water na aabutin pa ng ilang taon bago tuluyang magkaroon ng ibang pagkukunan ng tubig sa Metro Manila at Rizal maliban sa La Mesa Dam na tanging source nito ng tubig sa ngayon.