Kumambyo ang Malacañang at nilinaw na hindi sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi kusang nagbitiw sa puwesto si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagbitiw si Balutan dahil sa delicadeza ukol sa matinding korupsyon sa PCSO.
Sinabi ng kalihim na natanggap ng Office of the President ang resignation letter ni Balutan matapos i-anunsyo na sinibak ito sa puwesto ng Pangulo.
Dito ay humiling aniya si Balutan kay Pangulong Duterte na magkaroon ng patas na imbestigasyon.
Una rito, sinabi ni Panelo na sinibak ng Pangulo si Balutan dahil sa isyu ng koruspyon na hindi naman tugma sa pahayag ng tagapagsalita ng PCSO na nagbitiw umano sa puwesto ang dating general manager ng ahensya.
—-