Dumistanysa ang Malacañang sa naging desisyon ng Court of Appeals (CA) kung saan kinatigan nito ang naunang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na bawiin ang lisensya ng online news organization na Rappler na makapag-operate.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa mga kasong nakasampa sa korte.
Binigyang diin ng kalihim na hahayaan na lamang ng Malacañang na gumulong ang batas sa kaso ng Rappler.
Muli namang nanindigan si Panelo na walang kinalaman sa press freedom ang naging pasya ng Court of Appeals.
—-